- Profilerr
- Privacy Notice (Sa Labas ng Estados Unidos)
Privacy Notice (Sa Labas ng Estados Unidos)
Huling Na-update: 02.02.2023
Ipinaliliwanag ng Privacy Notice na ito kung paano kokolektahin, iipunin, at isiswalat ng aming kumpanya at ng aming mga kaanib (sama-samang tinutukoy bilang “kami,” “amin,” o “namin”) ang impormasyon tungkol sa mga gumagamit ng aming mga Serbisyo. Nagsusumikap kami na tiyaking ligtas ang iyong personal na pagkakakilanlan at nagagamit ang mga ito nang wasto. Sa pangkalahatan, ipinaliliwanag ng Privacy Notice na ito kung paano namin natatanggap ang iyong Personal na Impormasyon, at kung ano ang ginagawa namin sa impormasyong iyon kapag nasa amin na ito.
Pakibasa ang Privacy Notice (“Privacy Notice”, “Notice”) nang buo bago gamitin ang mga Serbisyo.
Kung hindi ka sumasang-ayon sa Notice na ito, maaari sanang huwag niyo kami bigyan ng inyong datos.
Mayroon kaming karapatang suriin ang Notice na ito anumang oras, at agad kang aabisuhan hinggil sa anumang pagbabago. Kung magpapasya kaming baguhin ang aming Notice, ilalathala namin ang mga pagbabagong iyon sa page na ito at/o ia-update ang Privacy Notice. Kung nais mong matiyak na alam mo ang mga pinakahuling pagbabago, ipinapayo naming madalas mong bisitahin ang page na ito.
IMPORTANTENG KARAGDAGANG IMPORMASYON
Pinamamahalaan ng Notice na ito ang pagproseso ng personal na datos ng mga residente ng kahit anong bansa maliban sa Estados Unidos ng Amerika. Kung ikaw ay naninirahan sa Estados Unidos, mangyaring bisitahin ang aming page na “para sa mga residente ng Estados Unidos” upang malaman ang tungkol sa mga tagapamahala ng iyong personal na impormasyon, ang legal na batayan kabilang ang mga lehitimong interes sa pagkolekta at pagproseso ng iyong personal na impormasyon, ang mga pananggalang na ginagamit sa paglilipat ng personal na impormasyon, ang iyong mga karapatan, at ang mga detalye sa pakikipag-ugnayan sa mga tagapamahala ng datos at sa Data Protection Officer.
ANO ANG IBIG NAMING SABIHIN SA “PERSONAL NA IMPORMASYON”?
Para sa amin, ang “Personal na Impormasyon” or “Personal na datos” ay tumutukoy sa kahit anong impormasyon na maiuugnay sa isang taong natural na nakilala o maaaring makilala; ang “Sensitibong Personal na Impormasyon” ay isang subset ng Personal na Impormasyon at tumutukoy sa datos ukol sa lahi o ethnic origin, mga opinyong pulitikal, paniniwalang panrelihiyon o iba pang paniniwala ng katulad na uri, kalusugan o kalagayang pisikal o mental, kanyang buhay sekswal, ang pagkakasangkot o diumanong pagkakasangkot sa anumang krimen, anumang paglilitis kaugnay ng krimeng ginawa o inaakusahang ginawa, ang resolusyon ng naturang paglilitis o ang hatol ng anumang hukuman kaugnay nito, at pagiging kasapi sa unyong pang-manggagawa.
ANO ANG IBIG NAMING SABIHIN SA “PAGPROSESO NG IYONG PERSONAL NA IMPORMASYON”?
Ang “Pagproseso” ay sumasaklaw sa “anumang operasyon” na isinasagawa sa personal na datos, gaya ng pangongolekta, pagtatala, pag-oorganisa, pagsasaayos, pag-iimbak, pag-aangkop o pagbabago, pagwawasto, konsultasyon, paggamit, pagbubunyag sa pamamagitan ng transmisyon, pamamahagi o anumang iba pang paraan ng pagpapalaganap, pag-aayon o pagsasama, pagpigil, pagbura, o pagsira.
ANONG URI NG PERSONAL NA IMPORMASYON ANG KINOKOLEKTA?
Maaari kaming mangolekta ng datos, kabilang ang Personal na Impormasyon, tungkol sa iyo habang ginagamit mo ang aming mga website, serbisyo, at habang nakikipag-ugnayan sa amin. Maaaring kabilang sa impormasyong ito ang buong pangalan, telepono, e-mail, petsa ng kapanganakan, kasarian, password, bansa ng paninirahan, wika, avatar (larawan o ibang imahe), at iba pang impormasyon gaya ng mga interes at kagustuhan, pati na rin ang data profile kaugnay ng iyong online na gawi sa aming website.
Kung iuugnay namin ang ibang datos sa iyong Personal na Impormasyon, ituturing namin ang pinagsamang datos na iyon bilang Personal na Impormasyon. Nangongolekta rin kami ng Personal na Impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang third-party sources at nakikipag-ugnayan sa mga third party upang mangolekta ng Personal na Impormasyon para tulungan kami.
BAKIT KAMI NANGONGOLEKTA, NAG-IIMBAK, GUMAGAMIT, AT NAGBUBUNYAG NG PERSONAL NA IMPORMASYON?
Nangongolekta, nag-iimbak, gumagamit, at nagbubunyag kami ng personal na impormasyon para sa mga layuning kabilang ang mga sumusunod:
- para pabigay ang mga producto at serbisyo sa iyo;
- upang mapunan ang aming mga obligasyon sa iyo sa ilalim ng Terms of Use at matiyak na tinutupad mo ang iyong mga obligasyon sa ilalim nito;
- para makipag-ugnayan sa iyo, kabilang ang pagpapadala ng impormasyon hinggil sa aming mga produkto at serbisyo;
- para sa pagpaplano, pananaliksik, promosyon, at marketing ng aming mga produkto at serbisyo, kabilang ang pagsasagawa ng mga kompetisyon o promosyon;
- upang lumikha ng pinagsama-samang datos tungkol sa mga kliyente sa pamamagitan ng demographic profiling at estadistikang pagsusuri ng aming database upang ma-optimize ang aming mga produkto at serbisyo at/o maging mas mahusay ang operasyon ng aming negosyo;
- upang mapatunayan ang iyong pagiging lehitimo ng iyong mga aksyon at intensyon;
- para sa imbestigasyon ng hinihinalang labag sa batas, mapanlinlang, o iba pang hindi tamang aktibidad na may kaugnayan sa paggamit ng aming mga produkto at serbisyo; at
- upang matugunan ang aming mga legal at statutory na obligasyon, kabilang ang aming mga tungkulin kaugnay ng beripikasyon ng pagkakakilanlan at pag-uulat alinsunod sa batas laban sa Money Laundering at Counter-Terrorism, at iba pang naaangkop na batas.
KANINO ISINISIWALAT ANG PERSONAL NA IMPORMASYON?
Binabahagi namin ang personal na impormasyon sa iba pang mga entidad sa isang mahigpit at kontroladong paraan. Hindi namin pinahihintulutan ang mga third party na bumili ng Personal na Impormasyon na aming naimbak na ibenta ito maliban na lang kung mayroon kang pagkakataon na mag-opt-out sa pagbenta ng iyong impormasyon.
Maaari naming isiwalat ang iyong personal na impormasyon sa mga sumusunod:
- sa aming mga kontratista at panlabas na mga service provider na may kaugnayan sa pagpapatakbo ng aming negosyo at pagbibigay ng aming mga serbisyo, kabilang ngunit hindi limitado sa mga kaakibat na data center, mga web hosting providers, mga service provider para sa beripikasyon ng pagkakakilanlan, mga ahensya ng advertising, mga mailing house, mga imprentahan, mga call center, mga market research analyst, mga IT consultant, mga propesyonal na advisors, at mga consultant;
- sa mga ahensya ng pagpapatupad ng batas upang tumulong sa pagpigil sa mga kriminal na aktibidad;
- Sa gobyerno at mga awtoridad ng regulasyon at iba pang mga organisasyon kung kinakailangan o pinahihintulutan ng batas o hindi man;
- sa mga ahensiyang tagapangasiwa kung saan ang mga ahensiyang ito ay humihiling ng impormasyon upang maprotektahan at mapanatili ang integridad ng mga serbisyong ibinibigay; at
- sa isang kahaliling entidad sa kaso ng pagtransition ng negosyo, gaya ng pagsasanib, muling pagsasaayos ng korporasyon, o sa isang bumibili ng bahagi o kabuuan ng aming mga ari-arian;
- sa iba pang third party na pinahintulutan mong pagbunyagan namin ng iyong Personal na Impormasyon.
Kung kailanganing ilipat ang iyong impormasyon sa third party, isasagawa namin ang mga makakatarungang hakbang para masiguro ang impormasyong isisiwalat ay protektado ng third party sa ilalim ng kotraktwal na kasunduan.
PAANO NAMIN NATATANGGAP ANG PERSONAL NA IMPORMASYON TUNGKOL SA IYO?
Natututunan namin ang Personal na Impormasyon tungkol sa iyo kapag:
- direkta mo itong binigay sa amin;
- awtomatiko namin itong kinolekta sa pamamagitan ng aming mga produkto at serbisyo (halimbawa, sa paggamit mo ng aming mga serbisyo);
- kapag sinusubukan naming mas mapalalim ang aming kaalaman tungkol sa iyo base sa iyong Personal na Impormasyon na ibinigay mo sa amin (halimbawa, kapag ginamit namin ang iyong IP address para i-customize ang wika para sa ilan sa aming mga serbisyo).
ANO ANG GINAGAWA NAMIN SA IYONG PERSONAL NA IMPORMASYON SA ORAS NA NASA AMIN NA ITO?
Kapag binigay mo sa amin ang Personal na Impormasyon, gagamitin namin ito sa mga paraang pinahintulutan mo, o mga paraang intutos ng aming mga kliyente na nagbigay ng Personal na Impormasyon. Sa pangkalahatan, ginagamit namin ang iyong Personal na Impormasyon para tulungan kaming ibigay at higit pang mapabuti ang mga produkto at serbisyo namin sa iyo. Maaari rin naming gamitin ang Personal na Impormasyon na binigay mo para makipag-ugnayan sa iyo tungkol sa aming karagdagang o bagong mga serbisyo at feature.
Maaari naming gamitin ang Personal na Impormasyon upang maiwasan ang panlilinlang at iba pang ipinagbabawal o labag sa batas na mga aktibidad, para sa iba pang mga layuning pinahihintulutan ng batas, at sa pangkalahatan ay upang matiyak na sumusunod kami sa mga naaangkop na batas at upang maiwasan o matuklasan ang paggamit o pang-aabuso sa aming mga serbisyo.
GAANO NAMIN KATAGAL PINAPANATILI ANG IYONG PERSONAL NA DATOS?
Iiimbak namin ang iyong datos sa loob ng panahon ng bisa ng iyong account. Ang iyong impormasyon ay buburahin, gagawing hindi matukoy (anonymized), o papalitan ng sagisag (pseudonymized) kapag hindi na ito kinakailangan upang matugunan ang aming mga pangangailangang pangnegosyo, legal na obligasyon, pagresolba ng mga hindi pagkakaunawaan, pagprotekta sa aming mga ari-arian, o pagpapatupad ng aming mga kasunduan.
PAANO NAMIN PINOPROTEKTAHAN ANG IYONG IMPORMASYON?
Ang lahat ng personal na datos ay ipoproseso sa paraang matitiyak ang angkop na seguridad, integridad, at pagiging kumpidensyal nito, kabilang ang, halimbawa, proteksyon laban sa hindi awtorisado o labag sa batas na pagproseso at laban sa hindi sinasadyang pagkawala, pagkasira, o pinsala, gamit ang angkop na teknikal at organisasyonal na mga hakbang gaya ng mga encryption protocol at software, pseudonymization/anonymization kung naaangkop, access controls, mga mekanismo ng pagpapatotoo, at pisikal, operasyonal, at impormasyong panseguridad.
ANONG MGA KARAPATAN ANG MAYROON KA?
Mayroon kang mga partikular na karapatan:
- Bawiin ang iyong pagpayag na iproseso ang iyong personal na datos sa anumang oras;
- Tumutol sa pagproseso ng iyong personal na datos. Kung ipoproseso namin ang iyong impormasyon para sa aming mga lehitimong interes, hal., para sa mga direct email marketing o para sa aming mga layuning pananaliksik sa marketing, maaari kang tumutol dito. Isasaalang-alang namin ang iyong kahilingan at, kung walang legal na batayan para tanggihan ito (hal., pampublikong interes), ititigil ang pagproseso para sa mga naturang layunin;
- Malaman kung anong impormasyon mo ang hawak namin, kung paano namin ito nakuha at kung gaano katagal namin ito balak panatilihin sa amin;
- Iberipika at itama ang iyong personal na datos kung sakaling ito ay hindi wasto, hindi kumpleto, o hindi napapanahon;
- Limitahan ang pagproseso ng iyong personal na datos. Kapag kinukuwestiyon mo ang katumpakan ng iyong personal na datos, naniniwala kang ito ay aming pinoproseso sa paraang labag sa batas, o nais mong tutulan ang pagproseso nito, may karapatan kang pansamantalang ipatigil ang pagproseso ng iyong personal na datos upang suriin kung ang pagproseso ay naaayon. Sa ganitong kaso, hindi namin ipoproseso ang personal na datos para sa anumang layunin maliban sa pag-iimbak o para sa pagsunod sa mga legal na obligasyon hanggang sa mawala ang mga kundisyon ng limitasyon;
- Hilingin sa amin na tanggalin/sirain/burahin/o kung hindi man ay alisin ang personal na datos tungkol sa iyo (ang karapatang makalimutan). Pakitandaan na ang pagtanggal ng iyong personal na datos ay maaaring makaapekto sa iyong karanasan sa aming mga Serbisyo o humantong sa pagtatapos ng ugnayan sa pagitan natin kung ang personal na datos ay lubhang kinakailangan para sa pagbibigay ng serbisyo; at
- Ilipat ang iyong personal na datos sa ibang organisasyon (ang karapatang sa data portability). Nalalapat ang karapatang ito kung pinoproseso namin ang personal na datos batay sa iyong pahintulot o alinsunod sa, o bilang bahagi ng, pag-uusap hinggil sa pagpasok sa isang kontrata, at kung ang pagproseso naka automate.
- ang karapatang magsampa ng reklamo sa isang awtoridad sa pangangasiwa.
Ang iyong mga karapatang nabanggit sa itaas ay maaaring magamit nang walang bayad sa pamamagitan ng pagsulat sa amin o pagtawag sa amin. Sa ilang mga kasi, maaaring hingin naming sa iyong patunayan ang iyong identidad bago kami kumilos ayon sa iyong kahilingan.
PAANO MAKIPAG-UGNAYAN SA AMIN?
Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa Privacy Notice, mangyari lamang na makipag-ugnayan kayo sa amin dito.
Controller: Golovna Group LTD
Data Protection Officer: [email protected]