Settings ng mga Beteranong Manlalaro

Ang Gawaan ng Crosshair na likha ng Profiller ay isa sa mga pinaka-angkop na opsyon sa pagbago ng mga pinakamahalagang setting sa loob ng laro nang gamit lamang ang ilang pindot.
Walang pangkalahatang pormula sa paggawa ng crosshair sa CS:GO, o tumpak na pag-aayos nito — sa sitwasyong ito, mas importante ang parktikal na page-experimento. Gayunpaman, dapat alam mo pa rin ang mga saligang terminolohiya at patakaran para sa mas mabilis at mas maayos na resulta. Mayroong siyam na salik na nag-iimpluwensya ng pagpapasadya ng crosshair. Alamin natin ang bawat isa sa kanila:
Ang aming gawaan ng crosshair sa CS:GO ay siya ring nagpapakita ng iyong crosshair sa mga pinakasikat na mapa at mayroon ring kapasidad na magbago ng resolusyon mula 16:9 hanggang 4:3. Dahil ang iba’t ibang mapa ay may iba’t ibang nananaig na kulay, mas magandang masubukan ang mga setting na pinili mo. Halimbawa, ang dilaw na crosshair ay magandang gamitin sa Ancient pero hindi masyado nangingibabaw sa Mirage, kaya mahalagang makita ang mga ito bago pa maglaro.
Para magamit ang crosshair mula sa aming gawaan ng crosshair kowd, kailangan mo sundin ang mga sumusunod na simpleng hakbang:
Ang pangalawang makalumang paraan ng paggamit ng ginawang crosshair ay ang pagdownload ng Config file mula sa pahinang ito, kopyahin ang texto, ang palitan ang bahagi ng file na nababago ng ‘config.cfg’ (lahat ng nag-uumpisa sa ‘cl_crosshair’). Ang file na ito ay makikita sa polder na ‘Program Files\Steam\userdata[your Steam ID]\730\local\cfg’ sa iyong PC.
Ang isa pang paraan ay ang pagbukas ng Counter-Strike: Global Offensive, pumunta sa Setting → Game → Crosshair, at baguhin ang lahat ng paisa-isa, tulad ng ginawa mo rito.
Ang pinakamagandang paraan pa rin ay ang una, dahil ilang indot lang, lahat na ng mga setting ng crosshair mo para sa CS:GO ay maisasakatuparan na.
Ang pagpapasadya ng crosshair sa CS:GO ay isa sa mga paraan na mababago mo ang aspeto ng laro para umangkop sa pangangailangan at pananaw mo, para mas mapadali at mas maging asintado ang iyong pagbarin. Isa pa, magagawa ito ng ilang pindo lang gamit ang Gawaan ng Crosshair ng Profilerr.
Ang laki at klase ay nakadepende sa sandatang gagamitin mo. Para sa mga riple at pangmatagalang barilan, mas maganda ang mas malalaking crosshairs na may mas malawak na espasyo sa pagitan ng mga linya sa iyong asinta. Sa mga mas gusto naman ng isang barilan lang, mas maganda ang mas maliliit para mas madaling makaasinta at makatira sa ulo. Kailangan mo ring tandaan ang mga pangunahing saklaw ng mga kulay sa mapa para mas mangibabaw ang crosshair at mas mapadali ang paggamit ng granada.
Maibabalik mo ang karaniwang crosshair sa pamamagitan ng pagpindot ng ‘Reset’ na pindutan sa ibabaw ng preview window pagkatapos umpisahan ang laro at pagpunta sa Settings → Game → Crosshair.