Mga Laban sa CS2
Lunes 18 Nob 2024
Martes 19 Nob 2024
Miyerkules 20 Nob 2024
Huwebes 21 Nob 2024
Biyernes 22 Nob 2024
Sabado 23 Nob 2024
Sa pahinang ito, mahahanap mo ang iskedyul ng mga pinakahahahalagang laban sa CS2. Tuklasin ang mga paparating na labang mapapanuod ngayon, sa mga susunod na mga araw, o mga linggo gamit ang aming kombenyenteng pangsubaybay. Ang bawat laro ay may mga importanteng live na estatistika tulad ng oras, petsa, grupo, at pangalan ng paligsahan kung saan magaganap ang laban. Sa tab nga mga resulta, makikita mo ang mga iskor para sa mga natapos nang mga laban sa CS2. Maaari mo ring gamitin ang aming salaan para tuklasin ang mga iskor sa CS2 ayon sa paligsahan kung saan ka interesado, pati na rin mano-manong ilagay ang pangalan ng paligsahan.
Mga Pinakamahalagang mga Paligsahan sa CS2
Maraming mga paligsahan sa larangan ng eSports taun-taon, pero wala ni isang dosenang tunay na malalaki, interesante, at kapansin-pansing mga kaganapan. Ang mga pinakakamalaking palaro sa CS2 ngayon na nagbibigay ng mga pinaka kapana-panabik na mga pangkat ang pinakamalalaking mga papremyo ay tinatawag na Majors. Bilang isang panuntunan, ang mga palisahang ito ay ginaganap sa partikular na panahon at sa isang tiyak na lugar. Ang ilan sa mga pinakaimportante sa mga ito ay ang:
- ESL Pro League
- Major
- IEM
- BLAST Premier
- DreamHack Masters
- ESL One
- ESL Impact League
CS2 Match Rules
Sa propesyunal na cyber sports, may ilang mga panuntunan na tumutukoy ng pagkapanalo ng isang pangkat o n g kabila. May mga ganitong manunutunan rin sa CS2, at ang mga kundisyon para manalo sa isang laro sa paligsahan ay maaaring iba sa karaniwang palaro.
Una, ang mga propesyunal na laban ng CS2 ngayon ay nag-uumpisa sa pagpili ng mapa. Para gawin ito, ang mga pangkat ay nagsasalit lamang sa pagtanggal ng mga mapa sa lisahan at paglaro ng mga natitira.
Sa kabuuan, may tatlong klase ng mga laban:
- BO1 — Ang pinaka hindi tiyak na porma ng paglalaban kung saan isang mapa lamang ang gagamitin. Ang mapa ay pinipili sa pamamagitan ng pagsasalit sa pagtatangal ng mga mapang ayaw nilang laruin hanggang isa na lamang ang matira.
- BO3 — Ang pinakasikat na pormat ng paligsahan kung saan ang mga pangkat ay maglalaro hanggang makakuha ng dalawang pano. Dito, sila rin ay magsasalit ng pagtanggal at pagpili ng mga mapa bago mag-umpisa ang laban. Ito ang pormat na unibersal na ginagamit sa lahat ng mga Majors, pati na rin sa lahat ng mga playoff.
- BO5 — Ang porma ng labang ito ay nagpapagahiwatig na kailangan manalo nang tatlong beses ng isang pangkat at hindi kadalasang ginagamit. Hindi ito sinusunod isa pang-grupong yugto ng paligsahan o sa mga playoff. Ang pormang BO5 ay ginagamit sa huling yugto ng ilang mga paligsahan, tulad ng ESL. Ang pormang ito ay ang pinakamahaba sa lahat, dahil sa maliwanag na dahilan. Maaari itong tumagal mula 3 hanggang 7-8 na oras.
Ang mga palatuntunan ng laban mismo ay iba ng kaunti mula sa karaniwang laro. Ang mga kondisyon ng pagkapanalo ay alam na ng halos lahat na nakasubok nang maglaro ng CS2.
- Ang isang pangkat ay kailangang manalo ng 16 na paghaharap.
- Para manalo, kailangan mong mapatay ang lahat ng kalaban, magtanim o magdisarma ng bomba, o maghintay na maubos ang oras ng pangkat na CT.
- Pagkatapos ng 15 na paghaharap, magpapalit ng panig ang mga pangkat.
- Ang bawat manlalaro ay magsisimula na mayroong $800.
- Ang pinakamataas na halagang maaaring maimpok ay $16,000.
Kung walang pangkat ang makakuha ng GG sa loob ng 30 aghaharap, magtatala ng overtime, na hindi makikita sa karaniwang laro. Habang nasa overtime, ang mga pangkat ay maglalaro ng walang hanggang serye ng numero na may 6 na maghaharap bawat isa. Pagkatapos ng tatlong paghaharap, magpapalit ng panig ang mga pangkat, at muling uulitin ito hanggang magkaroon ng panalo.
Mga Salik na Kinokonsidera sa mga Laban sa CS2
Sa mga propesyunal na live na laban ng CS2, may ilang mga salik at at sukatan na nakakaapekto sa mga live na iskor sa CS2. Ang mga pinakaimportante ay ang mga sumusunod:
- Kill to death ratio (K/D);
- Average damage per round (ADR);
- Blinded enemies amount (EF);
- Headshots percentage (HS%);
- Grenade damage (UD).
Sa paglalaro ng buong pangkat, ang mga sumusunod na salik ang siya namang kinokonsidera:
- Porsyento ng mga panalo sa isang mapa;
- Kalidad ng laro sa huling limang pakikipagtugma;
- Estatistikang pagkukumpara sa ibang pangkat;
- Porsyento ng panalo sa mga paghaharap na pistola lamang ang maaaring gamitin.
FAQ
Una, kailangan mong hanapin ang pangalan ng pagtutunggali na gusto mong hanapin ang resulta, hal. PGL Major Antwerp 2022. Pagkatapos, mula sa pahina ng Mga Laban sa CS2, lumipat mula sa “Live na mga Resulta at mga Paparating” papunta sa “Resulta ng Laban”, pindutin ang “Mga Paligsahan” sa kanan at ilagay ang pangalan ng Majors. Makikita mo lahat ng laban sa loob ng paligsahang ito at mapipindot mo na sila para makita ang mga detalyadong estatistika.