Profilerr
Mga Setting

Gawaan ng CS2 Crosshair

Settings ng mga nagungunang manlalaro

Inferno

Istilo ng Crosshair

Pagka-Linaw

Kapal

Haba

Layo

Panlabas na Guhit

Kulay ng Crosshair:

Pumili ng Iba Pang Kulay
Custom
BukasPatay
BukasPatay
BukasPatay

Mga Preset

Mga Setting ng crosshair

cl_crosshairstyle 4;
cl_crosshairsize 2;
cl_crosshairthickness 0.5;
cl_crosshair_t 0;
cl_crosshairdot 1;
cl_crosshairgap -1;
cl_crosshair_drawoutline 1;
cl_crosshair_outlinethickness 1;
cl_crosshairusealpha 0;
cl_crosshaircolor 2;

Mga Setting ng crosshair

cl_crosshairstyle 4;
cl_crosshairsize 2;
cl_crosshairthickness 0.5;
cl_crosshair_t 0;
cl_crosshairdot 1;
cl_crosshairgap -1;
cl_crosshair_drawoutline 1;
cl_crosshair_outlinethickness 1;
cl_crosshairusealpha 0;
cl_crosshaircolor 2;

Paano Gamiting ang Gawaan ng Crosshair ng Profilerr

Ang Gawaan ng Crosshair na likha ng Profiller ay isa sa mga pinaka-angkop na opsyon sa pagbago ng mga pinakamahalagang setting sa loob ng laro nang gamit lamang ang ilang pindot.

Pangunahing mga Aspeto na Kailangang Bigyang-Pansin sa Paggawa ng Crosshair

Walang pangkalahatang pormula sa paggawa ng crosshair sa CS2, o tumpak na pag-aayos nito — sa sitwasyong ito, mas importante ang parktikal na page-experimento. Gayunpaman, dapat alam mo pa rin ang mga saligang terminolohiya at patakaran para sa mas mabilis at mas maayos na resulta. Mayroong siyam na salik na nag-iimpluwensya ng pagpapasadya ng crosshair. Alamin natin ang bawat isa sa kanila:

  • Istilo. Ang “Karaniwan” na tumatayo para sa panimulang istilo, na ilan lang ang mga maaaring baguhin, kaya ang karamihan ay mas gustong gamitin ang ‘Klasiko.’
  • Pagkalinaw. Para sa pagkalinaw, pati na rin sa kaibahan ng mga kulay.
  • Kapal. Tumutukoy sa king gaano kalapad an mga linya sa crosshair.
  • Haba. Batayan kung gaano kahaba ang mga pangunahing linya.
  • Layo. Distansya sa pagitan ng mga linya.
  • Panlabas na Guhit. Nagbibigay kakayahan na ipaloob ang mga linya (gamit ang ilang mga naka-bold na preset) para mas makita ang mga linya.
  • Kulay. May limang pangunahing kulay, pero pwede mo pang palawakin ang mga pagpipilian sa pamamagitan ng paggamit ng buong gamma at pagtakda ng espesipikasyon sa pagitan ng 0 at 255.
  • Tuldok. Ilagay o alisin ang tuldok sa gitna.
  • Hugis-T. Gumawa ng espisipikong istilo ng crosshair na walang linya sa itaas.
  • Dinamika. Pinapakita rito ang inaasahang pagkalat ng bala, na kadalasang mas malapad kapag ikaw ay gumagalaw o nagpapaputok. Ang opsyong Statik ay nagpipirmi dito sa karaniwang laki ng crosshair.

Ang aming gawaan ng crosshair sa CS2 ay siya ring nagpapakita ng iyong crosshair sa mga pinakasikat na mapa at mayroon ring kapasidad na magbago ng resolusyon mula 16:9 hanggang 4:3. Dahil ang iba’t ibang mapa ay may iba’t ibang nananaig na kulay, mas magandang masubukan ang mga setting na pinili mo. Halimbawa, ang dilaw na crosshair ay magandang gamitin sa Ancient pero hindi masyado nangingibabaw sa Mirage, kaya mahalagang makita ang mga ito bago pa maglaro.

Paggamit ng CS2 Crosshair na Nilikha Gamit ang Profilerr

Para magamit ang crosshair mula sa aming gawaan ng crosshair kowd, kailangan mo sundin ang mga sumusunod na simpleng hakbang:

  • Hanapin ang talaan na ‘Mga Setting ng crosshair’ (sa ilalim ng preview window) at kopyahin ang kombinasyon (ang icon na pangkopya sa taas na kanang bahagi).
  • Buksan ang Counter-Strike: Global Offensive.
  • Buksan ang console (‘~’), ilagay ang mga setting, at pindutin ang tipang ‘Enter’.
  • Subukan ang resulta sa gusto mo subukan sa kahit anong laro. (Deathmatch ang aming palagay na pinaka-angkop, dahil pwede mong subukan ang kahit anong sandata nang hindi nagbabayad).

Ang pangalawang makalumang paraan ng paggamit ng ginawang crosshair ay ang pagdownload ng Config file mula sa pahinang ito, kopyahin ang texto, ang palitan ang bahagi ng file na nababago ng ‘config.cfg’ (lahat ng nag-uumpisa sa ‘cl_crosshair’). Ang file na ito ay makikita sa polder na ‘Program Files\Steam\userdata[your Steam ID]\730\local\cfg’ sa iyong PC.

Ang isa pang paraan ay ang pagbukas ng Counter-Strike: Global Offensive, pumunta sa Setting → Game → Crosshair, at baguhin ang lahat ng paisa-isa, tulad ng ginawa mo rito.

Ang pinakamagandang paraan pa rin ay ang una, dahil ilang indot lang, lahat na ng mga setting ng crosshair mo para sa CS2 ay maisasakatuparan na.

FAQ

Ang pagpapasadya ng crosshair sa CS2 ay isa sa mga paraan na mababago mo ang aspeto ng laro para umangkop sa pangangailangan at pananaw mo, para mas mapadali at mas maging asintado ang iyong pagbarin. Isa pa, magagawa ito ng ilang pindo lang gamit ang Gawaan ng Crosshair ng Profilerr.

Ang laki at klase ay nakadepende sa sandatang gagamitin mo. Para sa mga riple at pangmatagalang barilan, mas maganda ang mas malalaking crosshairs na may mas malawak na espasyo sa pagitan ng mga linya sa iyong asinta. Sa mga mas gusto naman ng isang barilan lang, mas maganda ang mas maliliit para mas madaling makaasinta at makatira sa ulo. Kailangan mo ring tandaan ang mga pangunahing saklaw ng mga kulay sa mapa para mas mangibabaw ang crosshair at mas mapadali ang paggamit ng granada.

Maibabalik mo ang karaniwang crosshair sa pamamagitan ng pagpindot ng ‘Reset’ na pindutan sa ibabaw ng preview window pagkatapos umpisahan ang laro at pagpunta sa Settings → Game → Crosshair.